Letter to Gerald


Hi Gerald, I miss you. Namis ko yung makita kang kumakain ng paborito mong kakanin, yung ipagtitimpla mo ko ng kape at maglalaro tayo ng baraha. Namis ko yung panonood natin ng sine, namis ko yung tatawagan kita at magsasalita ka ng japanese words na hindi ko maintindihan pero matatawa na lang ako at nawawala stress ko, yung pagdidilatan mo ko sa umaga pagka gising ko, yung pangungulit mo sa mga bata at makukulit mong hirit. namimis ko yung mga paglalambing at kakulitan mo. namimis ko yung pagiintindi mo sa family mo especially kay mommy, yung mga foodtrip natin, namimis ko yung pagiging balidosa mo sa pananamit at pagaayos pero sobrang kalat sa kwarto, namimis ko yung amoy mo kahit galing ka sa volleyball mabango pa rin, namimis ko yung pagiging matapang mo pero sobrang lambot ng puso, namimis ko yung mga panahon na nagkakaayos tayo after ng mga misunderstandings, yung pagdadasal nating dalawa, namimis ko yung pipilitin mo kong pumunta sa inyo kahit sobrang layo tuwing may mga salo-salo, namimis ko yung mga tsismisan natin sa showbiz, politics, sa mga tao, kapitbahay(haha), sa mga kaibigan mo at sakin din, namimis ko yung sigaw mo sa pangalan ko at kakain na ng breakfast, namimis ko yung makita kang nanunuod ng naruto, cartoons, tlc at mga cooking shows at ako hindi makapanuod ng iba, namimis ko yung mga movie marathon natin, pagpunta sa bayan, mga luto mo, namimis ko yung pagtitiris mo ng mga blackheads ko(eww), yung pipilitin mo ko na ilakad si sora, yung mga pandidilat mo na alam ko na galit ka na, namimis ko yung hobby natin na magpamasahe halos every week at kahit bumabagyo na pero hindi ka pa kuntento at gusto mo pang masahiin ulit kita, yung pagookray sa suot ko at ayos ng buhok kasi gusto mo pogi rin ako, sa lahat ng pagaalala mo sa mga kapatid mo tuwing may problem sila, sa lungkot at ligaya andito lang ako ang iyong no. 1 fan sa volleyball kahit lage ako nagaantay sayo. no 1 na tagahanga at nagmamahal. Only God knows how much I miss you. Nakakabaliw na pero I need to be strong. I need to stop crying. I need to move forward pero hindi pwedeng hindi kita maalala sa dami ng alaala na iniwan mo sakin at sa mga aral na natututunan ko sayo. mahal na mahal kita kaibigan, hanggang sa muli - BIBOY

Comments

Popular posts from this blog

FINAL SPEECH IN APC

Bad Experience

Meaning of my name