FINAL SPEECH IN APC
This speech serves as my expression of deepest gratitude to Asia Pacific.
Hindi ko na iisa-isahin lahat ng mga karanasan ko dito. Pero sa maikling panahon na naging bahagi ako ng Asia Pacific Family, ay maraming marami akong natutunan.
Ang makisama at makibagay sa iba’t ibang klase ng tao; and pagdiscover ng iba’t ibang pagkatao ng lahat so that I can try to please everyone para makuha ko ang kanilang interes at atensyon sa klase. Yung opportunity na makatulong by giving pieces of advice, na kahit hindi na sakop ng aking trabaho, ginagawa ko kasi ang turing ko sa inyo ay pamilya.
On my part, marami din akong natututunan sa mga part ng buhay nyo na ibinahagi nyo sa akin and this is because I have been a part of this humble training center.
Mahirap para sa akin na umalis kaya nga nagsasalita pa ako at nagpapaalam (parang Miss Universe). Pero isa itong desisyon sa buhay ko na kailangan kong gawin para mag-grow. Working here at Asia Pacific has been a very big blessing for me kung saan I was given the opportunity to share. Share my knowledge, my heart, my stories at masasabi kong ito talaga ang naging pangalawang tahanan ko.
Sa mga hindi nakakaalam, bata pa lang ako mahiyain na ako. Hindi naman sa punto na loner ako. Hindi lang talaga ako people-person. Pero dito sa Asia I always try to give my best, to give my 100% effort araw-araw just to deliver my lesson at maging masaya ang pagaaral ninyo.
Unang una, gusto ko muna magpasalamat kay God kasi pinagpray ko talaga ‘to after ko magwork sa hospital. Sabi ko kay God, hindi man ako makapag-abroad, bigyan nya ako ng trabaho na related pa rin sa Nursing at kahit papaano mas malaki ang kita kesa sa hospital. Para maalagaan ko yung parents ko at makapag-aral ako ng Masters Degree. Binigay nya sa akin ang pagtuturo right in time na kailangan ko sya. Kaya sobrang blessed talaga ako.
In the years that I have appeared in this classroom, my biggest realization is that (sabi nga ni Pia) “You should never give up on your dreams, we should never waver in our perseverance, and never let obstacles hinder our progress. A dream is a picture of possibility, and you should have a strong heart and prepared mind to turn that into reality”.
Gusto ko magpasalamat sa mga may-ari ng Asia Pacific (Sir Jerry and Ma’am Leny). Itinuturing ko silang blessing sa buhay ko. Kay Sir Chris na walang sawang nagchachallenge sa akin sa lahat ng bagay, thank you kasi you also inspired me to always be better. Kay Sir Xian, sorry! And I want you to know that I value everything na pinagsamahan natin, Kay Ma’am Leean, mahal na mahal kita…alam mo yan. Kay Manang, thank you sa lahat ng pag-aalaga mo sa akin. Sa inyong lahat sa office, hindi nila alam kung paano tayo humalakhak, mag-asaran, magkulitan, magkapikunan, pero masasabi kong magaan magtrabaho kasi para lang tayong nasa bahay. Salamat sa inyo.
Sa inyo, mga pinakamamahal kong students, tatandaan nyo that being a Caregiver is a noble profession. Give your 100% care sa mga may sakit at yan ang mapagmamalaki ninyo sa itaas. Mahirap magkasakit kaya being a caregiver you should always promote healthy living. It is also a challenge to work and live in another country, but you already invested your time and effort just to be here. So don’t waste that opportunity to use your knowledge and skills to help other people in need. Hindi nyo man magamit, I assure you na baon-baon nyo yung mga memories ninyo dito at magagamit nyo sa ibang tao at sa inyong personal na buhay.
I hope you remember Sir Paul na hindi lang yung kengkoy, malandi kung minsan…este madalas pala; masayahin pero kung minsan may sumpong din; mahirap magpa-exam at strict sa practicals sa daming side questions. Pero si Sir Paul na pumapasok ng maaga para magbuhat ng gallon ng tubig ng aircon, hindi nahihiyang magwalis, lagging nagaalok ng pagkain, palabati kung nakakasalubong, handa lagi sa pagtuturo at inaayos ang powerpoint presentation just to do his best to teach. These are our values. How we prepare, how we are willing to sacrifice, how much is our dedication and how much can we give of ourselves every day to other people. Also, remember that education is an opportunity that, sadly, is not given to many. So be thankful, be grateful and be appreciative for what you have right now.
I will leave you with this note na nasa cellphone ko lagi just to remind me…“Happy is the person who learns to wait as he prays and never loses his patience, for God’s time is the best time.”
Thank you everyone.
Comments
Post a Comment